Drug pusher arestado sa buy-bust sa Caloocan City, P374k ng shabu nasabat

Timbog ang isang lalaki sa buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. 188, Tala, Caloocan maghahatinggabi ng Linggo.

Ayon sa impormasyon ng Caloocan City Police Office, ang suspek ay nakilalang si Ansarodin Abedin, 56 anyos, dating miyembro ng Brgy. 188 Task Force.

Bumili ng droga ang isang police poseur buyer kay Abedin at nang magkaabutan ay agad itong hinuli.

Nakuha mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 55 gramo at nagkakahalaga ng P374,000.

Dinala na sa Northern Police District (NPD) Crime Laboratory ang iligal na droga para sa laboratory examination.

Mahaharap si Abedin sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...