NU Pep Squad, muling nasungkit ang kampeonato sa UAAP Cheerdance Competiton

Muling nasungkit ng National University (NU) ang kampeonato para sa UAAP Season 82 Cheerdance Competition.

Nadominahan ng NU Pep Squad ang kompetisyon sa ipinamalas na cheerdance routine na may temang kultura ng Pilipinas.

Ito na ang ika-anim na titulo ng NU sa loob ng pitong taon.

Itinanghal naman bilang first runner-up ang Far Eastern University (FEU) Cheering Squad na may temang hango sa mga kilalang dance moves ni King of Pop Michael Jackson.

Nanalo naman bilang second runner-up sa kompetisyon ang Adamson University Pep Squad.

Samantala, sa group stunts category, nanguna pa rin ang NU. second placer ang FEU at third placer naman ang Adamson.

Read more...