Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), nagsimula ang sunog bandang 6:24 ng gabi at umabot sa ikalimang alarma.
Ang apoy ay sumiklab mula sa ikalawang palapag ng isang residential building at nadamay ang katabing 3 palapag na gusali, isang auto electrical shop at sari-sari store.
Idineklarang fire under control sa lugar pasado 8:00 ng gabi.
Sugatan ang isang lalaki sa sunog at patuloy na inaalam ang naging sanhi ng pagsiklab nito.
Inaalam na rin kung magkano ang kabuuang halaga ng pinsala sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES