Lalaki, nasagasaan ng tren sa Makati

FILE PHOTO
FILE PHOTO

Putol ang paa ng isang lalaki matapos masagasaan ng tren ng Philippine National Railway (PNR) sa Buendia Station sa Makati City.

Ayon kay Renato Bismonte, Station Supervisor ng PNR Buendia Station galing Tutuban ang tren na patungong Alabang ang nakahagip sa palaboy na si Jun Laosa, 40 taong gulang.

Nabatid na nakaupo ang biktima sa riles nang mahagip ng tren na papahinto na sana sa nasabing PNR station.

Hindi anya natinag ang palaboy dahilan upang mahagip ang kanang paa nito at maputol.

Dinala naman kaagad sa ospital ng mga nagrespondeng rescue team ang biktima upang magamot.

Kahapon isang lalaki naman ang nasawi matapos masagaasan ng tren sa Beata St. sa Pandacan Maynila.

Read more...