American Pie singer Don McLean, inaresto dahil sa domestic violence

Don McLean (Courtesy of Knox County Jail)
photo from wiscassetnewspaper.com

Inaresto dahil sa kasong domestic violence ang singer ng kantang “American Pie” na si Don McLean.

Sa ulat ng Wiscasset Newspaper, isang tawag sa 911 ang natanggap ng mga pulis at ang tawag ay mula sa bahay ni McLean sa Camden town sa Knox County, Maine.

Ayon kay Camden Police Chief Randy Gagne, ang pag-responde nila sa nasabing reklamo sa 911 ang nagresulta sa pagkakadakip kay McLean. Hindi naman tinukoy ni Gagne kung sino ang biktima at ang nagreklamo, pero kinumpirma nitong sugatan at kinailangan ng medical attention ng biktima nang kanilang datnan.

Agad ding nakapaghain ng piyansang nagkakahalaga ng $10,000 ang 70-anyos na singer kaya napalaya mula sa Knox County Jail.

Nagtakda naman ng pagdinig ang Knox County Unified Court sa Rockland sa kaso ni McLean sa Feb. 22.

Nakilala si McLean noong 1969, nang gawin ang una niyang album na ‘Tapestry’. Agad simukat ang kaniyang awiting ‘Castles in the Air’ at ‘And I Love You So’.

Makalipas ang dalawang taon, pinasikat naman ni McLean ang ‘American Pie’ at naging isang international star.

Read more...