Bentahan ng ticket para sa opening ceremony ng 30th SEA Games, binuksan na

PHOTO CREDIT: 2019 SEA Games/FACEBOOK

Binuksan na ang bentahan ng ticket para sa opening ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Idaraos ang opening ceremony sa Philippine Stadium sa November 30.

Inaasahang dadalo ang mga atleta at delagado ng 11 bansa, kabilang ang Pilipinas.

Maaaring mabili ang ticket depende sa kukuning pwesto sa halagang P1,000 hanggang P12,000.

Samantala, pwede na ring makabili ng ticket ang mga nais manood ng iba’t ibang laro sa Maynila, Subic, Clark at iba pang lugar.

Maaaring mabili ang tickets sa SM Ticket outlet o sa smtickets.com.

Read more...