LOOK: #WalangPasok sa Lunes, November 18

Suspendido na ang klase sa buong lalawigan ng Cagayan sa Lunes, November 18.

Ito ay matapos irekomenda ng Provincial Climate Change and Disaster Risk Reduction Management Office (PCCDRRMO) kay Governor Manuel Mamba ang suspensyon bunsod ng nararanasang sama ng panahon dulot ng Bagyong “Ramon.”

Apektado ng suspensyon ang lahat ng antas mula pre-school hanggang graduate school sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Samantala, epektibo rin ang liquor ban sa nasabing lalawigan simula 6:00, Lunes ng umaga.

I-refresh ang page na ito para sa pinakahuling update ukol sa kanselasyon sa pasok.

Read more...