Sunog, sumiklab sa isang gusali sa Makati City

Screen grab from Dennis Baluyut’s video

(UPDATED) Nasunog ang isang gusali sa Makati City.

Batay sa video, sumiklab ang sunog sa isang gusali sa likod ng Makati Central Fire Station sa bahagi ng Ayala Avenue Extension.

Agad namang rumesponde ang ilang trak ng bumbero sa sunog.

Sa ngayon, nagsasagawa pa ng imbestigasyon kung ano ang dahilan ng sunog.

Inaalam rin kung magkano ang halaga ng pinsala sa lugar.

Read more...