Sa inilabas na pahayag, inihayag ng kagawaran ang pakikiisa, katuwang ang iba pang ahensya sa buong mundo, sa paggawa ng hakbang para mabawasan ang mga naitatalang aksidente sa mga kalsada.
Nakikiisa rin ang DOTr sa pagbuo ng oportunidad para magkaroon ng kamalayan sa emotional at economic devastation na idinudulot ng mga aksidente sa kalsada, lalo na sa mga nagluluksang pamilya ng mga biktima ng aksidente.
Kasunod nito, nangako ang DOTr sa pagbuo ng inisyatibo upang mabawasan ang mga aksideente at mapagiting ang kamalayan sa road safety.
Gunigunita ang World Day of Remembrance for Road Traffic Victims kada ikatlong linggo ng buwan ng Nobyembre kada taon.