Isa na namang taxi driver, biktima ng holdap sa QC

taxiPanibagong kaso ng pang-hoholdap biktima ang isang taxi driver ang naganap sa Quezon City.

Natanggay ang buong magdamag na kita ng isang taxi driver nang siya ay holdapin ng kanyang pasahero pasado alas 4:00 ng madaling araw kanina sa Fairview, Quezon City.

Sa kaniyang salaysay sa Quezon City Police District (QCPD) Station 5, sinabi ng biktimang si Regino Rudio, driver ng “Kat Gab” taxi na may plakang ASA 6199, sumakay sa kanya sa may bahagi ng Market Market sa Taguig ang suspek na tinatayang nasa 35 taong gulang, malaki ang pangangatawan, matangkad at nagpahatid sa Purok Maligaya, Fairview.

Pero pagdating sa lugar, bago pa man bumaba ang lalaki ay tinutukan umano siya ng kutsilyo sabay deklara ng holdap.

Sa takot na masaktan ay ibinigay na lamang umano niya ang kinita niya sa buong magdamag na nagkakahalaga ng mahigit P2,600.

Kahapon isang 62-anyos na taxi driver ang nabiktima ng panghoholdap ng kaniyang pasahero at tinangay pa ang minamaneho niyang CEOTA taxi sa bahagi ng Capitol Drive sa Quezon City.

Nabatid na ang operator ni Rudio at ang siya ring operator ng CEOTA taxi na natangay kahapon.

Read more...