5 timbog matapos mahulihan ng 8 kahon ng pekeng sigarilyo sa Catanduanes

Photo grab from Google Maps

Arestado ang limang lalaki makaraang mahulihan ng mga pekeng sigarilyo sa Catanduanes, Linggo ng umaga.

Batay sa ulat ng puliysa, kinuha ng mga barangay tanod ang walong kahon ng sigarilyo matapos mabigong makapagpakita ng shipment documents ang limang suspek sa Codon Seaport sa bayan ng San Andres.

May brand na Fortune, Jackpot, Mighty, Marvel at Winsboro ang mga nakumpiskang sigarilyo.

Nakilala ang mga suspek na sina Bravo Alimusa, 24-anyos; Khalil Ampaso, 31-anyos; Mostafa Bucay, 27-anyos; Juhair Macadaag; at Saidomar Sumalug, 28-anyos.

Nagkakahalaga ang kontrabando ng P205,600.

Read more...