Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, ipatutupad sa susunod na linggo

Inaasahang magpapatupad ng dagdag-bawas ang mga kumpanya sa kani-kanilang mga produktong petrolyo.

Ito ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sa abiso ng Shell at Petro Gazz, nasa P0.85 ang dagdag sa kada litro ng kanilang gasolina habang sa Petron at Cleanfuel naman ay P0.80.

Sa diesel, may tapyas na P0.30 sa kada litro sa Petron at Cleanfuel habang P0.15 naman sa Shell at Petro Gazz.

Ito na ang ika-walong sunod na linggo na may bawas-presyo sa diesel.

Magkakaroon din ng bawas na P0.20 sa kada litro ng kerosene o gaas sa Petron habang P0.25 naman sa Shell.

Mauunang magpatupad ng price rollback sa diesel ang Cleanfuel bandang 4:01, Linggo ng hapon.

Epektibo naman ang itinakdang oil price adjustment ng Petron, Shell at Petro Gazz sa araw ng Martes, November 19, bandang 6:00 ng umaga.

Samantala, huling ipatutupad ng Cleanfuel ang pagbabago sa presyo ng kanilang gasolina sa Miyerkules, November 20, bandang 12:01 ng madaling-araw.

Read more...