Magnitude 3.5 na lindol, tumama sa South Cotabato

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa South Cotabato, Linggo ng umaga.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 21 kilometers Northwest ng Lake Sebu bandang 10:30 ng umaga.

May lalim ang lindol na 11 kilometers at tectonic ang dahilan.

Dahil dito, naitala ang mga sumusunod na instrumental intensities:

Intensity 2:
– Kiamba, Sarangani

Intensity 1:
– Tupi, South Cotabato

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...