Ilang lugar sa Luzon, uulanin ngayong araw (Nov. 17)

PAGASA photo

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 11:52 ng umaga, iiral ang moderate to heavy rainshowers na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Cavite, Laguna, Batangas, Pampanga, Bataan, Zambales at Quezon.

Sinabi ng PAGASA na iiral ang masamang lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Kasunod nito, pinayuhan ng weather bureau ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...