Sa inilabas na pahayag, taliwas sa mga kumakalat na balita sa social media, sinabi ng DFA na walang apektadong Filipino sa mga rally.
Ayon sa kagawaran, hindi pa kailangang paalisin ang mga Filipino sa nasabing bansa.
Patuloy naman anilang nakatutok sa sitwasyon ang Philippine Consulate General sa Hong Kong para masiguro ang kaligtasan ng mga Filipino sa lugar.
Inabisuhan din ng DFA ang sinumang nais kumuha ng update ukol sa sitwasyon sa Hong Kong na bisitahin ang website ng Konsulado.
Dagdag pa ng kagawaran, iwasang magbatay sa mga kumakalat na kwestiyunableng impormasyon sa social media.