P1.4-M halaga ng shabu, nasamsam sa Cebu City

Photo credit: Waterfront Police

Nasamsam ng mga otoridad ang mahigit 200 gramo ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu City, Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa Waterfront police, nakuha ang kontrabando sa suspek na si Alvin Lopez Fegarido, 29-anyos na kargador, sa bahagi ng Sitio Riverside, Villagonzalo 1 sa Barangay Tejero bandang 1:00 ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya, si Fegarido ay ikinokonsidera bilang isang high-value drug personality sa Cebu.

Isinailalim ang suspek sa surveillance ng pulisya sa loob ng tatlong linggo bago ikinasa ang operasyon.

Nakuha sa suspek ang kabuuang 220 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.49 milyon.

Read more...