Magnitude 4.3 na lindol, yumanig sa Bukidnon; Ilang intensity, naitala sa mga karatig-lugar

Phivolcs photo

(Updated) Tumama ang magnitude 4.3 na lindol sa Bukidnon, Sabado ng umaga.

Batay sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 3 kilometers Northwest ng Kadingilan bandang 9:36 ng umaga.

May lalim ang lindol na 11 kilometers at tectonic ang dahilan.

Dahil dito, naramdaman ang intensity 2 sa mga sumusunod na lugar:
– Kadingilan, Dumulog at Kalilangan, Bukidnon
– Kidapawan City
– Cotabato City
– Davao City
– Wao, Lanao del Sur

Naitala naman ang instrumental intensity sa:

Intensity 2:
– Cagayan de Oro City

Intensity 1:
– Kidapawan City

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...