Duterte pinarangalan ang mga nasugatang sundalo sa sagupaan sa Eastern Samar

Ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Order of Lapu-Lapu, Rank of Kampilan ang pitong sundalo at isang pulis na nasugatan sa sagupaan laban sa New People’s Army (NPA) noong Lunes (Nov.11).

Binisita ng presidente araw ng Huwebes ang tropa sa St. Paul’s Hospital sa Tacloban City, Biyernes ng gabi.

Sa kanyang pagdalaw, ibinigay ng pangulo ang Order of Lapu-Lapu, Rank of Kampilan kina:

1. Sgt. Kenneth John Arcina
2. Cpl. Linlito Donayre
3. Private 1st Class Albert Abegonia
4. Private Darwin Aborquez
5. Private Joshua Pacuan
6. Cpl. Aljon Aguilos
7. Private 1st Class Rex Batis Jr.
8. Patrolman Jomar Aballe

Iginagawad ang naturang medalya sa mga indibidwal na lubhang nasugatan o napinsala bunsod ng pakikilahok sa kampanya o adbokasiya ng presidente.

Nagbigay din ng aabot sa P100,000 tulong pinansyal para sa walo.

Samantala, bago ang pagbisita sa ospital, binisita rin ni Duterte ang burol ng anim na sundalong nasawi.

Una nang kinansela ng pangulo ang dapat ay pulong sa mga magsasaka sa Cotabato na nakatakda kahapon para bisitahin ang kanyang mga sundalo.

Ang bakbakan sa Borongan City noong Lunes sangot ang nasa 50 miyembro ng NPA ay tumagal ng 30 minuto ayon sa mga awtoridad.

Read more...