Ayon sa 5am severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 440 kilometro Silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro bawat oras.
Araw ng Lunes (Nov.18), inaasahang tatama sa kalupaan ng Northern Luzon ang bagyo.
Dahil mabagal ang pagkilos, inaasahang Miyerkules o Huwebes pa lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Warning Signal no. 1 sa:
– eastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-lo, Gattaran, Baggao, at Peñablanca)
– eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, at Dinapigue)
– Northern Aurora (Dilasag, Casiguran, at Dinalungan).
Ngayong araw, mahina hanggang katamtaman na may hindi tuloy-tuloy na buhos ng malakas na ulan ang mararanasan sa eastern portions ng Cagayan at Isabela, Bicol Region, Samar Provinces at Romblon.
Pinag-iingat ang mga residente sa naturang mga lugar sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying-dagat ng mga sumusunod na lugar:
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Bayanes
– Calayan
– Babuyan Islands
– Aurora
– Quezon kasama ang Polillo Island
– Camarines Provinces
– Catanduanes
– eastern coast ng Albay
– eastern coast ng Sorsogon