Magkakahiwalay na pagyanig naitala sa Zamboanga Sibugay, Davao Oriental at Quezon

Naitala ang magkakahiwalay na lindol sa Zamboanga Sibugay, Davao Oriental at Quezon Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, magnitude 3.8 na pagyanig ang tumama sa bahagi ng Zamboanga Sibugay ala-1:02.

Ang episentro ng lindol ay naitala sa 21 kilometro Timog-Kanluran ng Olutanga at may lalim na 13 kilometro.

Magnitude 3.2 naman ang yumanig sa bahagi ng Davao Oriental ala-1:26.

Ang episentro ay sa layong 56 kilometro Timog-Silangan ng Governor Generoso at may lalim na 118 kilometro.

Alas-3:30 naman nang tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa Quezon.

Naitala ang episentro sa layong 36 kilometro Hilagang-Silangan ng Jomalig at may lalim na isang kilometro.

Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...