Moreno: Muslim cemetery itatayo sa Maynila sa susunod na taon

Courtesy of MANILA PIO

May regalo si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso para sa Muslim community sa kanyang lungsod.

Nakipagpulong si Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari kay Moreno araw ng Biyernes.

Sa pulong, iprinesenta ng alkalde ang planong pagtatayo ng exclusive cemetery para sa mga Muslim.

Ayon kay Moreno, ang sementeryo ay bubuoin bilang kanyang paraan ng pagbibigay respeto sa mga Muslim.

“Nataon na nandito kayo, I’m just happy to show it to you as a matter of respect to our Muslim brothers and sisters,” ani Moreno.

Isinasagawa na umano ang clearing operations sa loob ng bisinidad ng Manila South Cemetery na pagtatayuan ng himlayan.

Inaasahang makukumpleto ang konstruksyon ng sementeryo sa susunod na taon at hinihintay na lang anya ang pondo para rito.

Tiniyak pa ng alkalde na susundin ang Islam traditions sa bagong libingan.

“It’s done next year. This one, consider it done. We are just waiting for the funding,” dagdag ng alkalde.

Lubos naman ang pasasalamat ni Misuari kay Moreno sa pagbibigay importansya sa mga Muslim sa usapin ng paglilibing.

Read more...