Federer naka-abante sa semis ng ATP finals makaraang talunin si Djokovic

Naka-abante sa semis ng ATP Finals si Roger Federer makaraang talunin si Novak Djokovic sa muli nilang paghaharap sa O2 Arena sa London.

Sa score na 6-4. 6-3, tinalo ni Federer si Djokovic na tuluyan nang nalaglag sa torneo.

Ito ang ika-49 na paghaharap nina Federer at Djokovic at unang pagkatalo ng Serb player sa Swiss sa loob ng apat na taon.

Si Djokovic ay nauna nang tinalo ni Dominic Thiem sa

Samantala, maghaharap naman sina Rafael Nadal at Stefanos Tsitsipas sa susunod na round ng group match.

Nauna nang tinalo ni Nadal si Daniil Medvedev sa score na 6-7(3), 6-3 at 6-6.

Read more...