Bagyong Ramon napanatili ang lakas; signal #1 nakataas pa rin sa ilang bahagi ng Cagayan, Isabela at Aurora

Napanatili ng bagyong Ramon ang lakas nito at halos hindi kumikilos sa karagatan.

Huling namataan ang bagyo sa layong 420 kilometers East Northeast ng Casiguran, Aurora o 460 kilometers East ng Tuguegarao City, Cagayan.

Halos hindi kumikilos ang bagyo at nananatiling north northwest and direksyon nito.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa aximum 75 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa sumusunod na mga lugar:

– Eastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-lo, Gattaran, Baggao at Peñablanca)
– eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan at Dinapigue)
– Northern Aurora (Dilasag, Casiguran, at Dinalungan)

Ngayong araw, makararanas ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan ang Cagayan at Isabela, Bicol Region, Romblon, Panay Island, at Cuyo Islands.

Bukas, ganito pa rin ang lagay ng panahon na mararanasan sa Cagayan at Isabela.

Read more...