WATCH: Payo ng DOH sa publiko: Huwag pa-stress sa traffic dulot ng Christmas rush

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag pa-stress sa matinding traffic na dulot ng Christmas rush

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi Health Sec. Francisco Duque III na kapag ganitong holiday season ay tumataas din ang stress level ng mga tao.

Maliban kasi sa dami ng gastos, nakararanas ng matinding traffic sa mga lansangan kapag ganitong panahon.

Ani Duque, kung pasahero ng sasakyang nata-traffic, maaring libangin ang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa, pakikinig ng musika, o ‘di kaya ay gawin ang trabaho habang nasa sasakyan.

Kung nagmamaneho naman, maaring makinig ng musika at mga makabuluhang talakayan sa podcast.

Samantala, maliban sa mga sakit na maaring maidulot kapag malamig ang panahon, sinabi ni Duque na dapat ding maging maingat sa iba pang sakit dulot ng labis na pagkain.

Aniya, ang sobra-sobrang pagkain, sobrang pagpupuyat at pag-inom ng alak ay hindi mabuti sa kalusugan.

Maari itong magdulot ng heart attack, diabetes at iba pang uri ng sakit.

Read more...