Ilang bayan sa Isabela at Aurora nakararanas ng malakas na pag-ulan dahil sa bagyong Ramon

Nakararanas na ng malakas na pag-ulan sa ilang bayan sa Isabale at Aurora dahil sa bagyong Ramon.

Sa rainfall advisory ng PAGASA, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Dinapigue at Ehcague sa Isabela at sa Dilasag, Aurora.

Inabisuhan ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha na maidulot ng malakas na pag-ulan.

Maari din itong magdulot ng landslides, mudslides, at rock slides.

Read more...