4 patay matapos malunod sa San Carlos City, Pangasinan

Patuloy na hinahanap ang isa pang bata na nalunod sa isang ilog sa Barangay Salinap, San Carlos City, Pangasinan.

Kinilala ng San Carlos City Police Station ang nawawala na si Dionisio Lacaba, 11 anyos.

Apat sa mga kasama ni Lacaba ang kumpirmadong nasawi sa pagkalunod makaraang tangayin ng malakas na alon noong Miyerkules.

Unang natagpuan ang mga labi nina Jaymark Zuñiga, 10; Jaypee John Lacaba, 12 at Sheryl Tismo, 30 na naisugod pa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Natagpuan naman ang mga labi ni Reymart Peralta, 11 anyos sa Barangay Salomague sa bayan ng Bugallon araw ng huwebes.

Nabatid na special non-working holiday sa Pangasinan noong miyerkules, November 13 kaya walang pasok ang mga estudyante.

Read more...