LOOK: Anne Curtis ipinakita sa Instagram ang kaniyang baby bump

Ibinandera ni Anne Curtis ang kanyang baby bump.

Matapos kumpirmahin ang kanyang pagbubuntis nag-post si Anne ng larawan sa kanyang Instagram na nakasuot ng sports bra at legging at makikita ang umbok ng kanyang tiyan.

Nilagyan niya ito ng caption na “23 weeks pregnant with abs” at text sa larawan na “Still trying to look cute.”

Kasunod ng kumpirmasyon sa pagbubuntis niya sa unang baby nila ng mister na si Erwan Heussaff ang mag-asawa ay nagdiwang ng ikalawang wedding anniversary noong martes, November 12.

Inaasahan na manganganak ang aktres sa Marso ng susunod na taon.

Read more...