Angkas driver at kaniyang pasahero, sugatan sa aksidente sa EDSA-Shaw underpass

Sugatan ang Angkas driver at ang pasahero niyang call center agent matapos masalpok sa isang closed van sa EDSA-Shaw underpass.

Nangyari ang aksidente sa Southbound ng EDSA-Shaw underpass pasado alas 3:00 ng madaling araw ng Biyernes, Nov. 15.

Nadamay din sa naturang aksidente ang isang SUV.

Dinala na sa isang ospital sa Mandaluyong City ang dalawang nasugatan.

Ligtas naman ang mga sakay ng closed van pero nabasag ang windshield nito.

Ang naturang aksidente ay maagang nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng traffic sa EDSA southbound.

Read more...