Liquor ban ipinatupad sa lalawigan ng Isabela dahil sa bagyong Ramon

Nagpatupad ng liquor ban sa lalawigan ng Isabela bilang paghahanda sa pagtama ng bagyong Ramon.

Ito ay dahil nakatas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa ilang bahagi ng Isabela.

Sa abiso ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng Isabela, bawal muna ang magbenta at bumili ng alak sa lalawigan.

Ito ay upang masiguro na ligtas ang lahat sa sandaling tumama ang bagyong Ramon.

Tatagal ang liquor ban hangga’t nananatili ang epekto ng bagyo sa lalawigan.

Read more...