Water level ng Angat dam nabawasan pa sa magdamag

Muling nabawasan ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.

Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ng Biyernes (Nov. 15) ay nasa 188.19 meters ang water level ng dam.

Mas mababa kumpara sa 188.37 meters kahapon.

Bumaba din ang antas ng tubig sa Ipo dam na nasa 100.63 meters ngayong umaga.

Ang water level ng La Mesa dam ay nananatili sa 77.54 meters.

Pawang nadagdagan naman ang water level ng Binga, San Roque, at Pantabangan dams.

Habang nabawasan ang water level ng Magat at Caliraya dams.

Read more...