Consular Office ng DFA sa Isabela sarado ng ngayong araw

Walang operasyon ngayong araw, Nov. 15 sa Office of Consular Affairs (OCA) ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa lalawigan ng Isabela.

Ito ay makaraang suspendihin ng provincial government ng Isabela ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno at mga pribadong kumpanya ngayong araw dahil sa inaasahang magiging epekto ng bagyong Ramon.

Dahil dito, wala munang tatanggaping transaksyon para sa passport renewal at passport application sa Isabela Consular Office ngayong araw.

Ang mga aplikante n amayroong kumpirmadong appointments para sa araw na ito ay ia-accommodate na lamang Mula sa Lunes, Nov. 18 hanggang sa Dec. 13 (Biyernes).

Kailangan lamang dahil ng aplikante ang kanilang dokumento na may petsang nakasaad na sila ay may kumpirmadong appointment para sa petsang Nov. 15.

Read more...