Mahigit 900 indibidwal inilikas sa CamSur dahil sa bagyong Ramon

Mahigit 200 pamilya o katumbas ng mahigit 900 katao ang inilikas sa Camarines Sur dahil sa apekto ng bagyong Ramon.

Sa datos ng provincial government ng Camarines Sur, ang mga pamilyang naapektuhan ay mula sa mga bayan ng Del Gallego, Pasacao, Caramoan, Garchitorena, Canaman, Calabanga, Tinambac at Lagonoy.

Karamihan sa mga inilikas ay nasa mga paaralan, barangay hall, at chapel.

Maliban sa pagbaha sa 21 mga barangay sa lalawigan, nakapagtala din ng landslide sa Barnagay Sta. Rosa del Norte sa Pasacao at sa Barangay Mananao sa TInambac.

Balik naman na sa normal ang klase sa mga paaralan ngayong araw sa Camarines Sur matapos alisin na ng PAGASA ang itinaas na tropical cyclone wind signal.

Read more...