Tsunami warning binawi na ng Indonesia matapos ang M7.1 na lindol

Inalis na ng BMKG, meteorology and geophysics agency ng Indonesia ang tsunami alert na una nang itinaas matapos ang magnitude 7.1 na lindol sa Moluccas, Biyernes ng madaling-araw sa Pilipinas.

Nagdulot ng panic sa ilang mga residente ang lindol at nagkumahog na lumikas patungo sa matataas na lugar.

Una nang sinabi ng seismologists na posibleng magdulot ng malalakas na alon ang lindol ngunit hindi naman makakapaminsala.

Ayon sa US Geological Survey, naitala ang lindol sa layong 139 kilometro Hilagang-Kanluran ng city of Ternate at may lalim na 45 kilometro.

Malakas din ang pagyanig na naramdaman sa island of Sulawesi batay sa testimonya ng mga residente.

Samantala, dalawa pang magnitude 5.8 na lindol ang naitala ng USGS sa nasabing lugar alas-2:45 at alas-5:12 ng madaling-araw sa Pilipinas.

Read more...