M3.4 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-3:35 Biyernes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 88 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim itong 50 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ang lindol ng pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...