Ayon sa pahayag ng Western Mindanao Command araw ng Huwebes, sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng Joint Task Force Sulu at grupo nina Hatib Hajan Sawadjaan at Radullan Sahiron.
Hindi naman nabatid kung ilan ang casualties sa miyembro ng ASG.
Ginagamot na ang mga sugatang sundalo sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital sa Busbus, Sulu.
Sinaluduhan ni WesMinCom Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang mga sundalo dahil sa kanilang dedikasyong matiyak ang seguridad ng bansa.
“I salute our gallant soldiers for their bravery and utmost dedication to their sworn duty,” ani Sobejana.
Pagtitiyak ni Sobejana, patuloy na palalakasin ang operasyon laban sa mga terorista sa Sulu at sa mga lalawigang nasa kontrol ng WesMinCom.