Matteo tiniyak ang ‘happy life’ ng fiancé na si Sarah

Humingi ng paumanhin si Matteo Guidicelli sa mga magulang ng fiancé na si Sarah Geronimo sa mga nangyari sa kanila sa nakalipas.

Kasabay nito ay tiniyak ni Matteo sa mga magulang ni Sarah na bibigyan niya ng masayang buhay ang kanyang future wife.

Sa kanyang Instagram post araw ng Huwebes ay humingi ng paumanhin ang aktor sa mga magulang ng aktres na sina Delfin at Divine kung dati silang nagkaaroon ng “hard feelings.”

“Tito Delfin and Tita Divine, if there have been hard feelings or events that were not supposed to happen in the past, I humbly apologize…I assure you that I will give Sarah a happy life with the best of my capabilities. With pure, honest love and respect. We wish to move forward with our life plans and begin this brand new chapter of our life,” ani Matteo.

Sinabi rin ni Matteo na mahal na mahal niya si Sarah at mahal din niya ang mga magulang nito kaya nais niyang maging isa silang pamilya.

Pangako pa ng aktor, aalagaan niya si Sarah gaya ng pag-aruga sa kanya ng mga magulang nito.

Ang post ni Matteo ay kasunod ng engagement ng dalawa noong nakaraang linggo.

Taong 2014 nang maging magkasintahan ang dalawa pero napanatili nilang pribado ang kanilang relasyon.

Read more...