Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 415 kilometro Silangan ng Casiguran, Aurora o 475 kilometro Silangan ng Baler, Aurora.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro bawat oras.
Kumikilos ang bagyo pa-Hilaga Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Sa ngayon wala nang nakataas na Tropical Cyclone Warning Signal no. 2 at Signal no.1 na lamang ang nakataas sa mga sumusunod na lugar:
– Catanduanes
– eastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Dinapigue at Maconacon)
– Northern Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)
– Polillo Island
Bukas, mahina hanggang katamtaman na may hindi tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa eastern portions ng Cagayan at Isabela, Northern Aurora, Polillo Islands at Bicol Region.
Sa Sabado (Nov.16), mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay may kalakasang mga pag-ulan ang mararanasan sa eastern portions ng Cagayan at Isabela.
Mahina hanggang katamtaman na may hindi tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Apayao, Northern Aurora at nalalabing bahagi ng Isabela at Cagayan.
Pinag-iingat ang mga residente sa posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng mga lugar na nasa storm warning signal, seaboards ng Northern Luzon, at eastern seaboards ng Central at Southern Luzon.