Emergency powers ni Pangulong Duterte maihahabol pa – Sen. Ping Lacson

Tiwala si Senator Panfilo “Ping” Lacson na kailangan at mapapakinabangan pa kung mabibigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagkasa ng kanyang Build, Build, Build Program.

Ayon kay Lacson kapag may taglay na emergency powers ang punong ehekutibo ay mapapabilis ang buong proseso para masimulan ang mga big ticket projects.

Diin ng senador ang mahalaga ay may masimulan at huwag nang intindihin kung matatapos ang mga malalaking proyekto sa susunod na administrasyon.

Batid din ni Lacson malaking isyu sa pagsisimula ng mga proyekto ang right of way kaya’t dapat ito ang unang pinaplantsa sa pagpaplano ng proyekto.

Read more...