Emergency powers para sa ‘Build, Build, Build program’ maganda – Malakanyang

Magandang hakbang ang ginagawa ni Congressman Joey Salceda na pagkalooban ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para mapadali ang pagsasagawa ng Build, Build, Build program sa bansa.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, malaking tulong ang emergency powers lalo na sa usapin sa road right of way na pangunahing problema sa pagsasagawa ng mga kalsada.

May mga insidente aniya na hindi natutuloy ang mga proyekto dahil sa mga temporary restraining order na inilalabas ng korte.

Umaaasa si Panelo na kapag nabigyan ng emergency powers maaaring makamit ng pangulo ang layunin na matapos ang ilan sa mga flagship project ng Build, Build, Build sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2022.

Una rito, sinabi ni Salceda na ikinakasa na niya ang paghahain ng panukalang batas sa Kamara para pagkalooban ng tatlong taong emergency powers ang pangulo para sa kanyang Build, Build, Build program.

Binatikos na rin ni Senate minority leader Franklin Drilon ang Build, Build, Build program dahil palpak at mabagal ang pag-usad ng konstruksyon sa mga infrastructure project.

Read more...