DOLE nagpaalala sa mga employer sa pagbibigayng 13th month pay

Nagpaalala sa mga employer ang Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa pagbibigay ng 13th month pay ng kanilang mga empleyado.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na mandated by law ang 13th month pay at dapat itong maibigay sa mga manggagawa bago mag-Pasko.

Ilan naman sa mga employer na ang nakapagbigay na ng kalahati ng 13th month pay ng kanilang empleyado.

Habang ang mga nasa gobyerno ay matatanggap na ang kanilang 13th month pay bukas, Biyernes (Nov. 15).

Maging ang mga empleyadong nagbitiw na o naalis sa trabaho ngayong taon ay entitled na tumanggap ng 13th month pay.

Read more...