Dalawang US Ambassador sa Ukraine ang humarap sa unang araw ng impeachement inquiry laban kay President Donald Trump.
Kapwa kinumpirma nina William Taylor at George Kent ang pressure campaign na ginawa ni Trump at mga kaalyado nito sa Ukraine para magkaroon ng imbestigasyon sa kanyang political rival na si Joe Biden.
May kinalaman isyu sa tangkang pagharap ni Biden bilang dating Vice President sa $391-milyong security aid ng Amerika kapalit ng kooperasyon ng naturang bansa
Tinawag naman ng Republican lawmakers na hearsay ang mga pahayag ni Taylor.
Ang impeachment inquiry ang kauna-unahang televised hearing na naging tunggalian ng mga mambabatas mula sa Democratic at sa kapanalig ni Trump na Republican Party.
Napuno ng mga mamamahayag, mga mambabatas at ng orninaryong mamayan ang hearing room at tumagal ang pagdinig ng lima at kalahating oras.
Ipinatawag na rin ang aide ni Taylor na si David Holmes sa susunod na pagdinig sa Biyernes.