Aniya dapat na hinahayaang tumakbo ang bus sa mga EDSA dalawang beses na mas mabilis kumpara sa ibang sasakyan.
Sinabi nito na kahit naka-red ang traffic light ay titigil ang ibang mga sasakyan habang ang bus ay pwedeng tuluy-tuloy.
Katwiran ng mambabatas, mas marami kasing dalang tao ang bus at maaari ng iwan ng mga tao ang kanilang sasakyan dahil may mas mabilis na alternatibong transportasyon.
Hinimok din nito ang pamahalaan na gawing “mabuhay lanes” o express routes ang lahat ng daan sa Metro Manila.
dapat anyang linisin ang lahat ng daan at kalye sa lahat ng uri ng obstruction para gawing mabuhay lanes.
Sa Metro Manila lang aniya ay mayroong 5800 kms pero 20% lamang ng mga kalye ang nagagamit.