Mahigit 300 inarestong Chinese nationals ibinalik na sa China

Pinalayas na ng bansa ang 336 Chinese nationals na inaresto dahil sa iba’t ibang paglabag sa Immigration Laws ng bansa.

Kahapon ay nakipagpulong na si Li Le, ang deputy police attache ng Chinese Embassy, sa mga opisyal ng MIAA, PNP at Bureau of Immigration para sa deportation ng mga hinuling Chinese nationals.

Nabatid na naglaan ng lugar sa NAIA Terminal 1 para sa limang chartered flights na mag-uuwi sa mga inarestong banyaga sa China.

Alas 4:30 at alas 5:30 ng madaling araw ng Huwebes (Nov. 14) tatlong eroplano ng China Eastern ang naglipad sa mga Chinese nationals.

At ang naiwan na iba pa ay isasakay naman sa dalawang eroplano ng China Southern airline at sila ay nakatakdang lumipad alas 9:00 ng gabi.

Ang mga Chinese nationals ay nagmula sa detention facility ng Immigration Bureau at ibiniyahe sila patungong NAIA sa pamamagitan naman ng chartered buses.

Ipinagbabawal ang media coverage sa deportation ng mga Chinese nationals.

Read more...