Kinilala ang mga nasawi na sina Mariano at Aira Panganiban at ang anak nilang si Ricardo.
Ayon sa ulat, alas-5:00 ng umaga ng maitala ang sunog sa unang palapag ng gusali kung saan naroroon ang tindahan at umakyat sa ika-apat na palapag kung saan naninirahan ang mag-asawa.
Sinabi ni City Fire Marshall, Chief Inspector Arvin Christian Santos, nasawi ang pamilya sa pagkakalanghap ng usok at hindi na nakalabas ng naturang palapag sa kawalan ng fire exit at napapaligiran rin ng rehas na bakal ang mga lagusan.
Mabilis rin ang pagkalat ng apoy sanhi ng combustible automotive fluids, mga gulong at iba pang materyal na nakadagdag sa paglaki ng apoy.
Aabot sa P50-milyon ang halaga ng napinsala ng sunog.