MRT-3 limang minutong na inihinto ang kanilang mga tren bilang pakikilahok sa earthquake drill

Nakilahok sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ang Metro Rail Transit (MRT-3).

Ayon sa DOTr MRT-3, Alas 9:05 ng umaga ng Huwebes, Nov. 14 ay nag-abiso ang MRT-3 sa pagpapahinto sa lahat ng tren.

Makalipas ang limang minuto o alas 9:10 ng umaga ay binigyan na ng go signal ang mga tren para magpatuloy sa biyahe.

Ilang pasahero naman ang nag-tweet at sinabing nagkaroon ng stop entry sa mga tren.

Ganap na nagsimula ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill alas 9:00 ng umaga.

Nakiisa rin sa drill ang mga empleyado ng MRT-3.

Sa MRT-3 Depot sa Quezon City ay naglabas ang mga empleyado matapos ang kunwaring pagtama ng malakas na lindol.

Read more...