Death toll sa bushfires sa Australia umakyat na sa 4

Umabot na sa apat ang deathtoll sa nagaganap na bushfires sa eastern Australia.

Ito ay makaraang matagpuan ng mga residente ang bangkay ng isang lalaki sa New South Wales town na Kempsey.

Isa ang Kempsey sa mga nasalanta ng ilang bushfires.

Inaalam pa kung ano ang pagkakakilanlan ng lalaki pero isang 58 anyos na lalaki na naninirahan sa lugar ang nawawala mula pa noong Biyernes (Nov. 8).

Ang tatlo pang nasawi ay mula rin sa New South Wales.

Daan-daang mga bahay na ang nasira sa bunshfires na nakaapekto na sa mahigit isang milyong ektarya.

Read more...