Water level ng Angat dam muling nabawasan; nasa 188.37 meters na lang
Nabawasan pa sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.
Sa update ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes, Nov. 14 ay nasa 188.37 meters ang water level ng dam.
Malayo ito sa 210 meters na normal high water level ng Angat.
Nabawasan din ang water level ng Ipo dam na ngayon ay nasa 100.67 meters.
Habang wala namang pagbabago sa antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 77.54 meters.
Nabawasan din ang water level ng Ambuklao, Magat at Caliraya dams.
Habang nadagdagan naman ang water level ng Binga, San Roque at Pantabangan dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.