Sa pamamagitan ng memorandum na inilabas Miyerkules ng gabi, pinayuhan ang mga alkalde na agad na isagawa ang paglikas sa mga residente.
Ito ay dahil sa inaasahang mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay may kalakasang pag-ulan na mararanasan sa Camarines Sur hanggang Huwebes ng gabi.
Pinag-uulat din sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang mga alkalde ukol sa isinasagawang evacuation.
Una nang ipinag-utos ni Villafuerte ang pagsasailalim sa probinsya sa red alert status.
Ayon kay Camarines Sur Disaster Management Division Operations head Jose Francisco Celebrado, kahit kasi walang ulan sa kanilang lalawigan ay bumabaha pa rin basta’t maulan sa Albay at Camarines Norte.
Inihanda na ang rescue boats at evacuation centers.
Pinayuhan ang mga residente na sumunod sa mga awtoridad lalo kung may abiso nang lumikas.
Para sa emergency situations, maaaring tumawag ang mga residente sa Camarines Sur emergency hotline na (0998) 576 2072.