2 arestado sa buy bust sa Cavite

Timbog ang dalawang lalaki sa buy bust operation sa Bacoor, Cavite Miyerkules ng gabi.

Isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya ang operasyon laban sa umanoy mga “newly-identified” drug personalities.

Bukod sa pagtutulak ng droga, sangkot ang dalawang lalaki sa pagnanakaw ng mga motorsiklo.

Nakuha sa mga suspects ang 6 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P40,800 at limang nakaw na motorsiklo.

 

Read more...