Robredo: US suportado ang drug war ng administrasyong Duterte

VP Leni Robredo photo

Inihayag ni Vice President Leni Robredo na suportado ng Estados Unidos ang kampanya laban sa iligal na droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ni Robredo, na ngayon ay co-chairman ng Inter-Agency Council on Anti-Illegal Drugs (ICAD), kasunod ng pulong sa mga opisyal ng Amerika.

Ayon sa pangalawang pangulo, natalakay sa pulong ang mga kakulangan ng kasalukuyang drug war at kung paano makakatulong ang US sa kampanya.

Handa anya ang US na tumulong sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malinaw na datos sa sitwasyon ng kalakalan ng droga sa bansa.

Gayundin sa pagpapalakas ng mga programa para maiwasan ang paggamit ng droga at ang rehabilitasyon ng mga gumagamit ng bawal na gamot.

Dagdag ni Robredo, napag-usapan din ang posibleng amyenda sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ayon pa sa bise presidente, handa ang Amerika na gawin ang lahat para magtagumpay ang bansa sa laban sa droga.

Read more...